Nasa edad 2 hanggang 12 | 681 HIV POSITIVE SA ISANG LUGAR SA PAKISTAN
- Jersey Sanchez
- May 29, 2019
- 1 min read
NAGPOSITIBO sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang mahigit 600 katao sa isang lugar sa southern Sindh Province sa Pakistan.
Sa press conference, inilahad na nagpositibo ang 681 katao sa kabuuang 21,375 residente sa Rato Dero malapit sa distrito ng Larkana.
Ayon kay Special Health Advisor Zafar Mirza, 537 sa naturang bilang ay pawang mga menor-de-edad na nasa 2 hanggang 12-anyos.
Dagdag pa nito, isa sa mga dahilan ng pagdami ng kaso ng HIV sa lugar ay ang paggamit ng hindi ligtas na syringe.
Dahil dito, patuloy aniya ang aksiyon ng pamahalaan para alamin ang puno’t dulo ng pagkalat ng sakit at kung paano ito maiiwasan.
Matatandaang, 2017 nang nakapagtala ng 20,000 kaso ng HIV sa bansa.





Comments