top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Matagal na raw niyang wish, Sharon… SIGAW NI KC: ATAT NA AKONG MABUNTIS!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 29, 2019
  • 1 min read

TIYAK na matutuwa ang mga magulang ni KC Con­cepcion lalo na si Sharon Cuneta sa latest pronouncement ng kanilang anak ni Gabby Concepcion.

Sa latest Instagram post ni KC about how to take care of your body and soul, may nag-comment na baka pregnant ang dalaga dahil blooming ito ngayon.

Sinagot ito ni KC ng “Oh how I WISH I could be pregnant. Unfortunately, I’m not. I do want to have babies already though.”

Well, noon pa naman sinasabi ni Sharon na talagang inip na inip na siyang mag­kaapo kay KC at talagang halos ipag­tu­lakan na niyang mag-asawa ang anak.

Si Gabby naman, nang huli naming makausap sa taping ng Love You Two ay umamin ding gusto na ring magkaapo.

Pati ang mga netizens ay na-excite sa pahayag na ito ni KC at senyales daw ito na ready na nga ang panganay ni Shawie to settle down.

As we all know, KC is in a relationship now sa French producer and filmmaker na si Pierre Emmanuel Plassart.

Samantala, kararating lang ni KC sa bansa mula sa pag-aaral sa US kung saan ay kumuha siya ng short course about jewelry design and entrepreneurship para sa kanyang bagong binuksang jewelry business.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page