Lasing tepok sa kuryente
Pabs Hernandez III
May 29, 2019
1 min read
ILOILO—Isang lasing ang namatay nang makuryente, kamakalawa sa Bgy. San Jose, San Miguel sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Mark Von Saliva, residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang umiihi umano si Saliva ay natapakan nito ang live wire kaya nakuryente ang biktima.
Nabatid na dahil sa lakas ng boltahe ng kuryenteng tumama sa biktima ay agad itong namatay sa pinangyarihan ng insidente.





Comments