Laborer dedbol sa armado
Pabs Hernandez III
May 29, 2019
1 min read
PAGADIAN CITY—Isang laborer ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. Sta. Maria sa lungsod na ito.
Ang biktima ay nakilalang si Caloy Miano, nakatira sa Bgy. Tuburan sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nakatayo umano si Miano nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima sa hindi pa malamang dahilan.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.





Comments