top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kelot tinodas sa sabungan

Pabs Hernandez III
May 29, 2019
1 min read

PANGASINAN—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa compound ng sabungan Bgy. Balokok, Lingayen sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Zaldy Aladiga, nakatira sa bayan ng Aguilar sa nasabing lalawigan.

Nabatid na ipaparada ni Aladiga ang dala nitong motorsiklo nang lapitan ito ng suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page