Wanted na holdaper tiklo
Pabs Hernandez III
May 28, 2019
1 min read
CAGAYAN—Isang wanted na holdaper ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Centro, Sta. Ana sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Emerson Pagaduan, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya si Pagaduan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong robbery sa nabanggit na lalawigan.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad si Pagaduan nang arestuhin siya sa nasabing barangay.





Comments