top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Aktor, durog na durog… ALDEN, IBINUKING NI SUGAR NA 'DI TALAGA GUSTO SI MAINE, BINANATAN NG FANS

Writer: BULGAR
BULGAR
May 28, 2019
1 min read

Nitz Miralles / BIDA

NAKA-DISABLE ang comment box ng Instagram (IG) ni Sugar Mercado, pero may open na comment box sa kanyang account kaya ru’n siya sinugod ng ilang fans ni Maine Mendoza na hindi natuwa sa IG Story na kanyang ipinost.

Sa IG Story, kakuwentuhan ni Sugar si Alden Richards at nag-comment ang una ng, “Hindi mo naman talaga siya gusto,” na kahit walang binanggit na pangalan, alam agad ng mga fans na si Maine ang tinutukoy nito.

Hindi sumagot si Alden, hindi nag-react at tumungo na lang, pero pati siya, damay sa galit ng mga fans.

Ang payo ng mga fans kay Sugar, next time raw na makipaglandian siya sa kahit kaninong lalaki, ‘wag niyang isasali si Maine para hindi siya balikan.

Inakusahan din si Sugar na pa­pansin at isinumbong pa sa mga taga-ABS-CBN. Asikasuhin na lang daw ni Sugar ang mga anak niya at ‘wag pakialaman ang taong hindi naman kasali sa pagbibiro niya.

In fairness, sa IG Story ni Sugar, may nag-remind sa kanya na maba-bash siya at maaapektuhan ang career niya. Isa si Sugar sa mga co-hosts ni Willie Revillame sa Wowowin.

Ang hindi lang maganda sa nangyari, nadamay si Alden na ang kasalanan lang, biniro ni Sugar at ayun na, pati ang aktor, naba-bash na.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page