top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAKAPANIRAHAN SA IBANG BANSA

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2019
3 min read

KATANUNGAN

  1. Noong nagtatrabaho pa ako sa Pilipinas bilang factory worker ay hindi umasenso ang buhay ko at palagi akong sinisiraan ng mga kasamahan ko sa tra­baho kaya nagpasya akong mag-apply sa abroad bilang D.H. para mabago naman ang kapalaran ko.

  2. Nakapag-abroad ako at ang akala ko ay doon na magsisimula ang maganda kong kapalaran. Ang problema, nakatagpo ako ng malupit at abusadong amo, kaya hindi ko natapos ang kontrata ko at umuwi na kaagad ako kaysa mapahamak lang ako sa abroad.

  3. Nang nakauwi ako rito sa atin, nakakilala ako ng lalaking OFW at nagkaroon kami ng relasyon. Na­buntis niya ako at huli na ng malaman kong may pa­milya na pala siya. Sa ngayon, isang taon na ang anak namin at minsan ay nagpa­padala siya, pero mas mada­las ay hindi.

  4. Naglakas-loob ulit akong nag-apply sa abroad sa Hong Kong bilang D.H. Sa palagay ninyo, Maestro, ma­tutuloy kaya ako at paano kaya mag­babago ang ka­palaran ko? Na­pansin ko kasing puro na lang ka­mala­san ang dumarating sa buhay ko.

KASAGUTAN

  1. Upang mawala na ang mga kamalasan at sa halip ay puro suwerte na lang ang dumating sa buhay mo, mas ma­kabubuting baguhin mo ang iyong lagda.

  2. Magulo, nababoy at medyo naburara kasi ang iyong pirma, kaya ang nangyayari, binababoy at binuburara tuloy ng tadhana ang kapalaran mo na hindi naman nito sinasadya.

  3. Paano mo babaguhin ang iyong lagda? Huwag mo nang ibalikwas sa direksiyong pakaliwa ang dulong bahagi o dulong guhit sa pinakapaa ng letrang “n”, na siyang bumababoy o bumuburara ng iyong lagda.

  4. Sa halip, ituloy mo lang ang pinakapaa ng letrang “n” sa direksiyong pakanan. Sa pamamagitan nang matindi at tu­wid na guhit ng paa o guhit ng letrang “n”, sa ganyang pa­ra­an, hindi nababoy o naburara ang iyong lagda, sa halip ay inayos mo na ito at pinaganda, makatatagpo ka na ng mabait na employer at tapat na lalaking makakasama mo, habam­buhay.

  5. Sadyang marami pang pangingibang-bansa ang ita­tala sa iyong karanasan, ito ang nais sabihin ng malawak at da­lawang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na tulad ng nasabi na, hindi lang isang beses kang makararating sa abroad. Ha­bang ang mahaba at makapal mong Marriage Line (Drawing A, at B. 1-M arrow c.) ang nagsasabing malaki rin ang pag-asa mong sa abroad ka na rin makatagpo ng lalaking magmama­­hal sa iyo at makakasama mo, ha­bam­buhay.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Kung ‘yung iba ay minamalas o hindi nakatatagpo ng suwerte sa sinilangang bayan ay lumilipat sila ng ibang bayan o probinsiya. Kung hindi pa rin sinuwerte sa ibang probinsiya o ibang bayan na nilipatan, puwede ring sa ibang bansa mag­trabaho, humanap ng ikabubuhay at magan­dang kapa­laran.

  2. Tulad sa nasabing halimbawa sa itaas, ang magaganap sa iyong kapalaran, Ms. Libra, ayon sa iyong mga datos, kung mag-a-apply ka na ngayon sa abroad at sisipagan mo ang pag-aayos ng mga papeles, ngayong 2019, sa buwan ng Oktubre o kaya ay Nobyembre, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

  3. Lilipas ang apat o tatlong taon pa, muli kang maka­pupunta sa iba’t ibang panig ng mundo at sa nasabing panahon sa taong 2024, sa edad mong 36 pataas, makapag-aasawa ka na at ang nasabing pag-aasawa ang magiging daan upang tuluyan ka na ring suwertehin at makapanirahan sa ibang bansa na sakop ng kontinente ng North America (Drawing A. at B. t-t arrow b., 1-M, arrow c. at k-k arrow d.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page