Live-in partner pinatay
Pabs Hernandez III
May 27, 2019
1 min read
CATADUANES — Isang lalaki ang dinakip ng pulisya dahil sa pananaksak at pagpatay sa kanyang live-in partner, kamakalawa sa Bgy. Binanuahan, Bato sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Reymark Tabilin, samantalang, ang biktima ay si Liezel Tato, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang maglive-in partner na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Nakapiit na ang suspek at sinampahan na siya ng kasong murder.





Comments