top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaya make sure na minsan, nagagawa ninyo ito, mga lodi! PAGTITIG SA KANDILA, EPEKTIB NA PAMPA-RELAX!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 27, 2019
  • 1 min read

MADALAS ka bang nai-stress at walang time para umalis at makapag-relax? Walang problema, besh! May sagot na para riyan, ang candle light me­didation o pag­titig sa kandila na ma­bisa umanong pam­pa-relax. Weh, ‘di nga?

Ayon sa mga eks­perto, ang candle light medidation ay paraan ng open-eye media­tion. Sa ganitong pa­raan, kinakailangan mo lamang tumitig sa candle flame habang name-me­ditate.

Sa pamamagitan nito, mas mabilis na nabu-boost ang iyong concentration.

Gayunman, sa oras na maumpisahan na ang candle light meditation, kinakaila­ngan ng mga kalahok na pa­tayin ang mga ilaw at isa­rado ang mga bintana dahil mas magiging mabisa ito kung madilim ang pa­ligid at tanging apoy lang ang naki­kita.

Sa totoo lang, medyo creepy, ‘di ba? Pero, guys, be patient dahil bukod sa naka­pagpapa-relax ito, keri rin nitong maka-improve ng mental stability.

Ito ay dahil sa oras na nakatitig na kayo sa apoy ng kandila, ang utak ninyo ay makatatanggap ng new in­formation to process.

Dahil dito, makara­ram­dam kayo ng relax feeling dahil pansamantala ninyong makalilimutan ang inyong mga problema at iniisip na hindi maganda.

Sa katunayan, ang mga kandila na may iba’t ibang kulay ay may kani-kanyang kahulugan na mainam din kung bibigyan-pansin.

Oh, ayan, mga beshy, no need to travel para makapag-unwind. Basta mag-ingat lang para maiwasan ang pag­kakaroon ng sunog.

Okie? Hi-hi-hi!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page