top of page
WINNER - TITO-KIKO SA 2028, ISINUSULONG-IG _reallysharoncuneta.jpg

Ikukulong ng mga pulis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 27, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Cecille ng Ce­cille_Bustamante@facebook.com

Dear Professor,

Palagi akong nananaginip na nakulong daw ako, ‘yung tipong dadalhin na talaga ako ng mga pulis, tapos, biglang magigising ako.

Ano ang ibig sabihin nito?

Salamat!

Naghihintay,

Cecille

Sa iyo Cecille,

Ganito ang nasusulat, “ang lahat ay makasalanan”, as in, walang taong hindi nagkakasala. Ayon sa panaginip, alam mong may mga kasalanan ka at natatakot ka na ma­parusahan ka. Bago ka mag-isip ng kung anu-ano, hindi ka kriminal.

Kaya ang panaginip mo na huhulihin ka ng mga pulis ay hindi mangyayari, ito ay simpleng nagsasabi na ayaw mong ipaalam sa mga mahal mo sa buhay ang iyong mga kasalanan.

Ilang taon ka na ba, iha? Kadalasan, ang ganitong pana­ginip ay nararanasan kapag nagdadalaga o nagbibinata pa lang ang indibidwal at hindi niya alam na normal lang ang kanyang ginawa kaya sila ay nagkakaroon ng tinatawag na “guilty feeling.”

Madalas, ito rin ay nararanasan ng mga misis na na­ka­gagawa ng kasalanan sa kanyang mister, lalo na ‘yung mga kumukuha ng pera sa pitaka ng asawa. Ito rin ay normal lang sa buhay-mag-asawa.

Ipinapayo na para mawala ang ganitong klase ng pa­naginip, ikuwento mo ito sa iyong malalapit na kaibigan da­hil ayon sa panaginip, sinasarili mo ang akala mo ay mali sa iyo. Kaya dito sa mundo, ang bestfriend ay kailangan ng bawat tao.

Alam mo, iha, ang taong nabubuhay sa kanyang sarili ay pananahanan ng sobrang kalungkutan na sa huli ang sobrang lungkot ay itinuturing na rin ngayong malalang ka­ramdaman.

Bago mangyari sa iyo ang ganu’n, muli, ang mga pag­kakamali mo ay ikuwento mo sa iyong mga kaibigan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page