top of page
Pokwang.jpg

HOROSCOPE | Mayo 27, 2019 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 27, 2019 (Lunes): Malayo ang iyong mararating, kaya maraming bansa ang iyong mapupunta­han, ito ay nagsasabing magkakaroon ka ng very successful life.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang pinagkaloo­ban ng ma­ya­mang imahinasyon. Gamitin mo ito sa ma­kabuluhang layunin mo sa buhay at ang isa pang payo ay huwag mo itong gamitin sa mga walang kuwentang bagay. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-23-29-30-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagba­babala ang araw na ito at ang ilang araw pang da­rating na may magta­tangkang maisahan ka. Kaya pag-iingat ang iyong kailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-14-29-35-43.

GEMINI (May 21- June 20) - Muling nauulit ang pandaraya, kaya layuan mo kaagad ang dumaya sa iyo. Hindi ka puwedeng ma­ki­pag­laro sa kapalaran dahil totoong nauulit ang pan­daraya. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-25-30-37-44.

CANCER (June 21- July 22) - Itago mo ang iyong dam­damin. Hindi puwedeng mahalata ang laman ng iyong puso dahil hindi ito ang tamang pa­nahon para ibisto mo ang iyong nadarama. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-10-14-29-30-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung mama­masyal ka, da­pat ay may ka­­sama ka. Walang saya sa pag-iisa at hindi maganda ang nag-iisa. Ang ganda ng mga tanawin ay puma­pa­ngit kapag walang ka­sa­ma. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-11-19-20-24-30-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumikislap na muli ang iyong kapala­ran. Ma­rami na namang masi­silaw sa kislap ng iyong kapala­ran. Iwasan mong magka­sala sa mga taong maaakit sa kislap ng iyong buhay. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-16-20-24-28-35-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maglilitawan ang mga taong may hindi ma­­bu­ting motibo sa iyo, pero nakakubli sila sa damit na puti. Kung hindi ka mag-iingat, maaaring masak­tan ka at sa huli ay maki­kita kang luhaan. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-23-36-39-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Namama­hinga ang mga lihim mong ka­away, pero hindi ka puwe­deng makampante. Mas maganda na palagi kang aler­to at nakahanda sa anu­mang oras. Ito ang men­­sahe ng iyong kapa­laran. Masu­werteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-7-11-14-23-30-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit pa­kitaan ka ng hindi magan­da, magpakita ka pa rin ng maganda. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-13-19-22-26-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo kapag kaya mo. Kapag hindi mo kaya, huwag mong ga­win. Hindi makabubuti sa iyo ang pilitin ang sarili mo para lang mapagbigyan ang tao. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-15-24-31-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malakas ang dating ng kilos mo, pero mas malakas ang dating ng boses mo. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran.

Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-25-27-35-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magbabago! Huwag mong papalitan ang paniniwala mo, ngayon ay nasa ta­mang direksiyon ka ha­bang naglalakbay sa lan­das ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-7-18-25-39-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page