top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Alamin mula kay Señor... KATOTOHANAN TUNGKOL SA MGA BULAKLAK NA MAY HEALING POWER

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang tungkol sa mga bu­laklak bilang pakikiisa ngayong Mayo, na Month of Flowers.

Ibabahagi natin ngayon ang mga bulaklak na may healing powers. Sabi ng iba, ang mga bulaklak ay pangdekorasyon lang, kumbaga, parang walang halaga. Para bang mi­namaliit lang ang mga babae at pati na ang mga bulaklak. Pero ang totoo, kung walang babae at bulaklak, walang kakuwenta-kuwentang mabuhay sa mundo. Unahin natin ang tungkol sa mga bulaklak, sila ay bagama’t totoong pangdekorasyon lang ay mayroon din silang healing powers.

Narito ang mga pangunahing bulaklak na may healing powers:

1. Lavander - Nakagagamot ito ng depresyon. Sa lara­ngan ng medisina, ang depresyon ay isa sa pinakamahirap lunasan, pero sa paggamit ng oil of lavender, ang sakit na ito ay ma­aaring mawala.

2. Jasmine - Gamot ito sa taghiyawat. Sabi ng mga doktor, walang gamot sa taghiyawat, pero ang jasmine tea ay mabisang nakapagtatanggal ng taghiyawat. Ito rin ay gamot sa ulcer at maging sa sugat sa anumang bahagi ng katawan.

3. Calendula o pot marigold - Mabisang anti-viral, anti-bacterial at anti-inflammation ang bulaklak na ito. Ngayon ay mahigpit na ipinagbabawal ang basta-basta na lang bibili ng mga antibiotic, ang bulaklak na ito ay libre lang, as in, lalo na kung tayo ay magtatanim nito.

4. Passion flower - Mabisa itong gamot sa taong may mental disorder, mahusay din na pampakalma laban sa stress, insomnia at sa mga nakararanas ng panic attack.

5. Hawrthorn flower - Mayroon itong antioxidants na nakagpapababa ng high blood pressure at nakapagpapa­ganda ng circulatory system.

6. Rose - Panlaban sa virus at mayaman sa Vitamin C.

Ang petals ng nasabing mga flower sa itaas ay ihahalo sa oil, mas maganda kung sa coconut oil, olive oil o organic ve­getable oil. Paiinitin sa apoy ang oil na may kasamang mga petal. Ito ang gagamitin sa pagmamasahe o ipapahid sa bahagi ng katawan na kailangang gamutin, gayundin, puwede rin itong inumin.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page