THURMAN, ‘DI RAW UUBRA SA KANYA SI MCGREGOR


HINAMON si Conor McGregor ni top flight boxer, Keith Thurman at aniya sa kanyang panawagan sa “All the Way Down” ay diretsahang nanawagan ito sa Irishman na, “Box me, baby!!” Subalit mauunang kakasa si Thurman, WBA super welterweight champ, kontra kay Manny Pacquiao sa Hulyo 20 pero aniya narinig niya na pakay ni Conor na magbalik sa ring at ikasa ang laban. “You know you make more money in the boxing ring anyway. Box me, Conor!”
Hindi naman nagbibiro si Thurman dahil napanood niya ang McGregor vs. Mayweather noong 2017 at nakita niya kung paano natalo si Conor. “In boxing, the advantage is do you have skills with the left? Do you have skills with the right? Do you have footwork? And, one thing Conor doesn’t have is conditioning! He does not have conditioning. He is not ready for these championship fights. Floyd walked him down and beat him like he was playing ‘Fight Night!’” Ipinagpatuloy ni Thurman... “He wanna talk that trash?! He wants to think actually got hands? Come on, man.”
Kamakailan sinabi ni McGregor kay Tony Robbins, nais niya ng rematch kay Floyd Mayweather dahil marami siyang natutunan sa unang laban at alam niya kung paano na magwawagi. Wala pang sagot mula kay Floyd, pero ayon kay Keith, pagkatapos niya kay Manny, handa na siyang harapin si McGregor. (MC)





Comments