Pusher tepok sa shootout
Pabs Hernandez III
May 26, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA — Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Mabini, Llanera sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Cipriano Carlos, Jr.,nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Carlos, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments