top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MAGKAROON NG BAGONG ASAWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 26, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Nagkahiwalay kami ng mister ko dahil wala kaming anak sa halos li­mang taon naming pagsasama. Sa ngayon, may kinakasama na siyang ibang babae at mukhang masaya naman sila. Balak kong mag-ab­road sa susunod na taong 2020 at pagkatapos ay mag­hanap ng ibang lalaking mamahalin. Sa palagay ninyo, suwerte sa akin ang susunod na taong 2020 para makapangibang-ban­sa? Makapag-aasawa, mag­kakaanak at magkakaroon pa kaya ako ng masayang pamilya, balang-araw? May 1, 1988 ang birthday ko.

Umaasa,

Agnes ng San Diego, Gumaca, Quezon

Dear Agnes,

Ang mga taong may birth date na numerong 1 tu­lad mo, Agnes, ay sinusu­werte sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay dahil sila ay may ruling planet na Sun.

Alam nating lahat na ba­gama’t, ang Sun ay hindi pla­neta, ito ay dambuhalang tanglaw sa langit na nagbibi­gay ng init, liwanag at ener­hiya sa lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa. Ibig sa­bihin, kapag “sunny weather ang buhay mo” tulad ng na­­ipaliwanag na dahil tina­tang­lawan ka palagi ng Sun sa tu­­­wina, sa lahat ng aspeto ng iyong kapalaran ay palagi kang su­suwertehin at magka­karoon ng magandang kapa­laran.

Para masiguradong mag­kakaroon ka ng suwerte at ma­gagandang kapalaran kung ikaw ay Sun persona­lity, ang mahalaga lamang ay dapat palagi kang magsuot ng paborable mong kulay dilaw at siyempre dapat pa­lagi kang masayahin. Kapag ang taong one ay palaging naka-smile, tiyak na siya ay magkakaroon ng mas marami at bultu-bultong magagan­dang kapalaran.

Pero, kung ang taong one ay palaging nakasimangot, nakabusangot ang mukha, ma­sungit at bihirang tumawa, asahan mo ang taong uno na ito ay oo magtatamo rin ng magagandang kapalaran, pero kakaunti lang kung iku­kum­para sa iba na may ma­saya­hing disposisyon sa bu­hay.

Kaya ngayon pa lang si­mu­lan mo na ang pagsusuot ng kulay dilaw at maging ma­sayahin ka habang nag-a-apply ka sa abroad at nagha­hanap ng lalaking mamahalin, habambuhay.

Samantala, ayon sa Tra­vel Calendar, umangat nang husto ang graph ng iyong paglalakbay sa susunod na taong 2020 hanggang 2021, sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo sa iyong kapalaran, ibig sabihin, sa nasabing pa­nahon sa edad mong 32 pa­taas, tiyak ang magaganap, may masagana at mabu­ngang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Habang, ayon sa iyong Love Calendar, matapos du­mausdos pababa ang graph ng pag-ibig noong mga na­karaang taon nang nagkahi­walay kayo ni mister, kaagad itong naka-recover at muling umangat sa taong 2022 hanggang 2023. Ibig sabihin, sa taong nabanggit, sa edad mong 34 pataas habang nasa ibayong-dagat ka, lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo ang iyong makikilala, kung ikaw ay “Sun perso­nality”, ang nasabing lalaki na­man ay “Moon persona­lity” at sa pagtatagpo ng Moon at Sun sa nasabing taon, sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre, ma­sayang suyu­an ang mabubuo na hahan­tong sa maligaya at pangha­bambuhay na pagpapa­milya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page