Kung medyo mahiyain ka lodi, read mo ‘to! TIPS PARA MAGKAROON NG KAIBIGAN NGAYONG PASUKAN
KAUNTING kembot na lang ay pasukan na naman, sad, noh? Pero, ganyan talaga ang buhay, ang lahat ng bagay ay may katapusan. Gayunman, dahil concern tayo sa mga beshy natin na lilipat ng school, alamin ang ilang tips para hindi maging ‘loner’:
1. INTRODUCE YOURSELF. Mainam kung kaagad ng ipakilala ang sarili nang sa gayun kahit papaano ay may alam na sila tungkol sa iyo, hindi kailangan ng mahabang pagpapakilala, tanging pangalan at edad ay sapat na.
2. LEARN HOW TO TELL A STORY. Kapag kinakausap ka nila, make sure na magkukuwento ka rin, kumbaga, nagbabatuhan kayo ng ideya o topic para hindi kaagad matapos ang pag-uusap ninyo. Gets?
3. DON’T FEEL AWKWARD. Huwag kang ma-awkward kung may mga pinag-uusapan kayong hindi mo pa alam, siyempre, ganu’n talaga dahil bago ka, ikaw muna ang mag-adjust sa kanila.
4. MAKE SURE YOU KNOW HOW TO LISTEN. Ooops, hindi porke napalagay na ang loob mo sa kanila, eh, ikaw lang ang may karapatang magkuwento o magsalita, makinig ka rin sa mga sasabihin nila para hindi ka mabansagang bida-bida o mamaru. Okay?
5. SHOW THAT YOU’RE INTERESTED. Kahit sino naman, mapi-feel kapag hindi sila type ng kausap nila, kaya kung gusto mong magkaroon ng kaibigan magpakita ka ng interest sa kanila. Copy?
Sa totoo lang, sa umpisa lang naman mahirap ang lahat dahil back-to-zero ka, pero kapag tumagal na, for sure, magkakaroon ka rin ng maraming kakilala.
Good luck, mga beshy! Okidoki?






Comments