Ina, inilaglag sa national TV... SIGAW NI LORIN KAY RUFFA: IPOKRITA!
- BULGAR

- May 26, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

INILAGLAG ni Lorin Gutierrez ang kanyang mommy na si Ruffa Gutierrez sa national TV nang mag-guest silang dalawa sa show ni Luis Manzano na Minute to Win It.
Natanong kasi ng magaling na TV host ang anak ni Ruffa kung ano ang puwede niyang ibulgar tungkol sa kanyang mommy na hindi alam ng publiko.
Bago sumagot si Lorin, sinabi na ni Ruffa na mag-ingat ang anak sa sasabihin.
Sinabi ni Lorin na “hypocritical” ang kanyang ina dahil palagi raw sila nitong sinasabihan na makinig sa kanya, pero hindi naman daw nito magawang makinig sa kanilang lola na si Annabelle Rama.
Aniya, “Parang hypocritical si Mommy. Kasi lagi niyang sinasabi sa amin ni Venice, ‘Listen to me, girls, listen to me.’”
Dagdag pa niya, “But for the past 40 years of your life, you haven’t been listening to lola.”
Natawa at nagulat si Ruffa sa sinabi ni Lorin at siyempre, pati na rin ang mga studio audience at ang host na si Luis Manzano.





Comments