top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Huwag magbingi-bingihan sa mga itinatambak na basura sa bansa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 26, 2019
  • 1 min read

Hindi pa rin tapos ang isyu ng ‘pagtatambak’ ng ba­sura ng ibang bansa sa Pilipinas.

Tumitindi ang panawagan ng iba’t ibang environmental groups na maibalik ang basura ng Canada na itinapon sa bansa.

Ayon sa Ban Toxics, dapat na itong i-recall ng Canada sa lalong madaling panahon at hindi umano sila dapat magbingi-bingi­han sa isyung ito.

Ayon sa Kilusang Luntian, dapat gamitin ng Pilipinas ang political will nito upang pilitin ang Canada na kunin ang kanilang mga basura.

Iginiit naman ng Greenpeace na huwag gawing basurahan ng ibang bansa ang Pilipinas.

Matatandaang, lumagpas sa itinakdang deadline ang Canada sa pagkuha ng mga basura noong Mayo 15.

Sa halip na itapon sa ibang bansa ang kanilang mga ‘kalat’, dapat umanong bawasan ng mayayamang bansa ang kanilang ipino-produce na mga basura nang sa gayun ay hindi sila mamroblema sa pagtatapon ng mga ito.

Hangga’t hindi kinukuha ng Canada ang tone-toneladang basura na itinambak nila sa ating bansa, tama lamang na patuloy na kalampagin ang mga awtoridad dahil hindi tayo dapat pumayag na gawin lamang “tambakan” ang ating bayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page