top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Alamin mula kay Maestro... KATOTOHANAN TUNGKOL SA MGA BAGAY NA MAAARING GAWIN NG ASO NGAYONG TAON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 26, 2019
  • 2 min read

SINASABING, sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, ang aso ay sadyang ma­sa­rap mag­mahal kung saan sa katuna­yan tulad ng pag­mamahal niya sa kan­yang amo, sa san­da­ling minahal ka ng Aso, ta­laga namang sa lahat ng sit­wasyon at pagkakataon ay poprotektahan at aala­gaan ka niya.

Tunay ngang ang pagi­ging matapat at mapagmahal ng Aso ay isa sa mga kaha­nga-hanga niyang katangian dahil tulad ng nasabi na, anu­mang labanan at sitwasyon ang inyong masusuotan dahil pa­lagi siyang “loyal at faith­ful” sa kanyang minamahal o ka­ibigan, anuman ang mang­yari, ang kaibigan o minama­hal niyang ito ay hinding-hindi niya talaga i­iwa­nan.

Ang tipi­kal na Aso ay sadyang ma­bunganga, kaya kung gusto mo ng tahimik na buhay tu­lad ng buhay ng Baka na bi­hi­rang magsalita at ang gusto niya palagi ay walang ma­gulo o maingay, hindi ma­giging maligaya ang buhay ng Baka sa piling ng Aso.

Kung nakakita ka na ng nakikipag-away sa kalye kung saan walang tigil at patuloy na dakdak nang dakdak at walang makapipigil sa kan­yang kadadakdak, walang duda ang bungangerang ito ay isi­nilang noong 1970 kung saan maaari ring ang walang preno at matabil na dilang ito ay pag-aari ng tipikal na Aso.

Ang maganda sa Aso, hindi siya pangha­bam­buhay na nag­tatanim ng sama ng loob. Tunay ngang ‘yung ga­lit o tampo niya sa iyo ay madali niyang makalili­mu­tan.

Ibig sabihin, sa kabila ng katarayan, may natitira pa ring bait at pusong mapag­mahal sa kaibuturan ng pag­katao ng Aso. Ang Aso ay likas na ma­­awain at mapagmahal sa kanyang kapwa na nasa ma­babang ka­lagayan.

Bagama’t, pino­prob­le­ma rin niya ang ma­gandang susuotin halimba­wang, may birthday siyang dadaluhan, hindi rin miaalis sa isip niya ang awa at habag sa na­daanan niyang matan­dang bulag na namamalimos sa lansangan.

Kumbaga, ma­dali siyang sumisimpatya at naa­awa sa mga taong inapi at binigyan ng mabibigat na su­liranin ng tadhana, kaya ang isa pang magandang ugali ng Aso, siya ay likas na ma­awa­in at matulungin, lalo na sa mga taong alam niyang wa­lang tutulong o maaasahan.

Sa sex at pakikipaglan­dian, sinasabing, kung ang Kabayo ay madaling kiligin at palaging excited kapag nakikita na niya ang kanyang crush habang ang Baboy o Pig ay sobrang sensuwal, di­kit nang dikit at nag-iinit ka­agad, ang Aso ay makapag­hihintay, kumbaga sa naiihi, kaya pa niyang pigilin ang kan­yang sarili.

Bagama’t, pa­­laging na­na­nabik at may pag­kama­laswa — ginagawa la­mang niya ito kapag nasa pri­ba­dong lugar.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page