2 tulak timbog sa buy-bust
Pabs Hernandez III
May 26, 2019
1 min read
CAPIZ — Dalawang drug pushers ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Cagay, Roxas City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Johan Dequina at Ervin Dorado, kapwa nakatira sa nasabing lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments