Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG SUMAYA KUNG IIWASAN ANG PANGALAWANG BF
- BULGAR

- May 25, 2019
- 2 min read

KATANUNGAN
May fiancée ako at nagpupumilit siyang mag-abroad kahit na two years lang daw at pagkatapos ay magpapakasal na kami. Actually, nagli-live-in na kami for almost a year nang maisipan niyang mag-abroad para raw sa future namin.
Ang ipinagtataka ko lang, mahal na mahal ko siya, pero nang may dumating na lalaki sa buhay ko na hindi ko masyadong mahal ay nakipagrelasyon ako sa kanya ngayon at may lihim nang nangyayari sa amin habang nasa abroad ang fiancée ko.
Ayaw ko sana itong gawin, kaya lang hindi ko siya maiwasan kahit alam kong hindi ko siya mahal.
Kaya ang nais kong itanong ay kung totoo bang nakatakda ang kapalaran?
Kung nakatakda ito, sino sa dalawang lalaking ito ang nakatakda kong makasama, habambuhay?
KASAGUTAN
Totoong, nakatakda ang kapalaran, pero sa mga taong may makapal, matambok at malaman na palad, ibig sabihin, may energy kapag sinalat at kakaunti lang ang guhit ng palad — sila ang mga taong may kakayahang iwasan ang nakatakda at baguhin ang kanilang kapalaran. Hindi lang nila maiiwasan ang kapalaran, bagkus, sa pinakamatinding will power, lalo na kung malaki ang unang hati ng daliring hinlalaki (arrow a.), may will power silang isagawa at hubugin ang sarili nilang kapalaran.
Kaya bagama’t, tila nagpapatong ang Marriage Line (Drawing A. 1-M arrow b.) sa kaliwa mong palad, pero naging tuwid ang Marriage Line (Drawing B. 1-M arrow b.) sa kanan mong palad at nagkataong present sa iyo ang mga indikasyong ipinaliwanag na sa itaas, may kakayahan kang baguhin at ituwid ang iyong kapalaran kung ito ay medyo nababaluktok o nagugulo. Sa kabilang banda, puwede rin naman ‘yung negative side, halimbawa, maganda na ang kapalaran mo, puwede mo ring itong baluktukin at papangitin pang lalo.
Sa madaling salita, oo, may tendency na nangyayari na ngayon na lolokohin mo iyong fiancée o boyfriend habang siya ay nasa malayong lugar, kapag patuloy mo siyang niloloko, mananaig ang nagpatong na Marriage Line (1-M arrow b.) sa kaliwa mong palad kung saan hindi mo siya makatutuluyan dahil hindi lang siya ang niloko mo kundi pati na rin ang iyong sarili, kaya lolokohin ka rin ng iyong kapalaran. Kaya hindi mo makatutuluyan ang lalaking mahal mo talaga na kinakatawan ng first boyfriend o fiancée mo na nasa abroad.
Subalit, kung sakaling naging tapat ka na sa iyong sarili, kasabay nito, magiging tapat ka na rin sa iyong fiancée na nasa abroad. Maiiwasan mo na ang ikalawa mong boyfriend na hindi mo masyadong mahal. Sa puntong ito, naitutuwid at naitatama mo na ngayon ang iyong ginagawa, maitatama at magiging matuwid na rin ang iyong future o takdang kapalaran.
Dahil tulad ng nasabi na, itinuwid mo ang iyong landas, naging mabuti kang girlfriend, magiging tuwid at mabuti na rin sa iyo ang kapalaran kung saan ang fiancée mo na nasa abroad na mahal na mahal mo talaga ang iyong makatutuluyan na inirerepresenta ng kaisa-isa at magandang Marriage Line (Drawing B. 1-M arrow b.) sa kanan mong palad.
DAPAT GAWIN Kaya wala kang dapat gawin ngayon, Araceli, kundi ang iwasan mo na ang lalaking nakikisawsaw sa relasyon ninyo ng fiancée mo. Sa ganyang paraan lamang mananaig ang kaisa-isa at magandang Marriage Line (1-M arrow b.) sa kaliwa mong palad at sa pagbabalik ng iyong fiancée, kayo na ang magkakatuluyan at bubuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments