Libreng gamit at uniform sa mga mag-aaral


Ilang araw na lang, magbubukas nang muli ang klase.
Kaya naman maraming mag-aaral at mga magulang na ang namimili ng mga gamit-pang-eskuwela bilang paghahanda rito.
Kaugnay nito, 100 estudyante na hirap sa buhay ang target na mabigyan ng libreng school supplies at uniform ngayong pasukan sa pamamagitan ng programa ng Basista Police sa Pangasinan.
Mura, maganda at maayos ang mga kalidad ng mga ibinebentang gamit ng programang “ukay-ukay ng pulisya, sa edukasyon ko’y pag-asa”.
Ito na ang ikalimang taong pagsasagawa ng programa para makalikom ng pondo upang ipambili ng school supplies at uniform ng mga estudyante na mula sa mahihirap na pamilya.
Nag-donate ng mga gamit tulad ng mga damit at bag ang mga guro ng Bonuan Boquig National High School para maibenta sa ukay-ukay.
Ayon sa mga guro, madalas na dahilan ng pagliban ng mga bata sa klase ay ang kawalan ng mga gamit sa eskuwela.
Malaking tulong ito para sa mga mag-aaral na patuloy na iginagapang ng kanilang mga magulang ang kanilang pag-aaral sa kabila ng kahirapan.





Comments