top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Jimmy Bondoc, excited maipasara ang ABS-CBN, excited mawalan ng kayod ang libu-libong manggagawa, ts

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 25, 2019
  • 2 min read

HAPPY PALA SI JIMMY BON­DOC KAPAG NAWALAN NG TRA­BAHO ANG LIBU-LIBONG TAGA-ABS-CBN — Nag-post sa social me­dia si Jimmy Bondoc na excited na raw siyang maipasara ang malaking TV network na bagamat, hindi niya pina­nga­lanan, malinaw na ang tinutukoy niya ay ang ABS-CBN.

Matatandaang, pinagbantaan ni P-Duterte ang nasabing TV network na hindi raw niya iri-renew ang prang­kisa nito next year dahil hindi raw nito inilabas ang kanyang political ad noong 2016 Presidential Elections.

Napaka-bad pala ng ugali ni Bon­doc kasi happy at wala siyang paki kung mawalan man ng trabaho ang libu-li­bong manggagawa, empleyado at ta­lents ng ABS-CBN, pwe!

◘◘◘

TANTANAN NA NG MGA TA­LU­NAN ANG LITANYANG DINAYA SILA — Tapos na ang eleksiyon at naiproklama na ang mga nanalo kaya dapat tantanan na ng mga natalo ang kadadakdak na sila ay dinaya.

‘Yan ang hirap sa mga talunan, hin­di matanggap na sila ay talo kaya ang palusot na lang, eh, dinaya raw sila, mga buwisit!

◘◘◘

HUWAG MANIWALA SA ESTA­PADOR AT SWINDLER — Nilapi­tan noon ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy si Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III at gustong tumestigo dahil sangkot daw sa iligal na droga sina ex-Pres. Noynoy Aquino, ex-DILG Sec. Mar Roxas at Sen. Leila de Lima at nang hindi patulan ay nag-video serye ito at ang isinasangkot naman sa iligal na droga ay ang pamilya ni P-Duterte at si Sen. Christopher “Bong” Go.

Samantala, ang latest na dakdak naman niya ay sina Sen. Antonio Tril­lanes, IV, VP Leni Robredo at iba pang miyembro ng LP daw ang nag-utos sa kanya para siraan ang Duterte gov’t.

Siyanga pala, si “Bikoy” ay tadtad ng kasong estafa at swindling, ibig sabihin, para hindi ma-scam o maloko ay huwag nagpapaniwala sa mga si­nasabi ng estapador at swindler na tu­lad ni “Bikoy”, boom!

◘◘◘

PAGSASABI NG KASINUNGA­LINGAN, NAKASISIKIP NG DIB­DIB — Isinugod daw sa ospital si “Bi­koy”, tumaas ang BP nito at nanikip daw ang dibdib.

Patunay ‘yan na ang pagsasabi ng kasinungalingan, minsan, naka­pani­nikip ng dibdib, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page