top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Para sa mga minsan ng nagkamali riyan, read n‘yo ‘to! TIPS PARA MAIBALIK ANG TIWALA

Donna Thea Topacio
May 24, 2019
1 min read

SA relasyon, darating talaga kayo sa punto na magtatalo dahil sa mga ba­gay na hindi ninyo na­pagkakasunduan, ga­yundin, kapag may isa sa inyo ang nakagawa ng ka­malian kung saan ma­ging ang pagtitiwala ay mada­da­may.

Kaya para sa mga lodi natin diyan na hanggang ngayon ay sinusuyo pa si BF/GF, alamin ang mga paraan para pagkatiwala­ang muli ng inyong mina­mahal:

1. ACCEPT YOUR MIS­TAKES. Dapat maru­nong kayong tumanggap ng pagkakamali, kasama na rin dito ang pagpapakumbaba at hindi pagtataas ng pride. Kung alam ninyong kayo na ang mali, tanggapin na ninyo ito at huwag na ka­yong makipagtalo.

2. BE THOUGHT­FUL. ‘Ika nga, bawi-bawi rin ‘pag may time, kaya para mawala na ang galit ng dyo­wa mo, dapat iparam­dam mo sa kanya na palagi kang nag-aalala sa kanya. Hindi ‘yung ikaw na ang mali, ikaw pa ang nande­dedma.

3. BE PATIENT. Pag­papasensiya ang kailangan para sa dyowang tinotopak, lalo na at nakagawa ka ng mali, hindi naman puwe­deng isang sorry lang ay ayos na, ‘di ba?

4. MAKE THE LITTLE THINGS MAT­TER. Kahit magmukha ka pang sunud-sunuran, besh, gawin mo dahil deserve mo ‘yan. Pero, hindi mo kaila­ngang maging OA, basta kapag alam mong kailangan mong mag-effort, go, go, go!

5. DO SOME BOLD CHANGES. Of course, ito ang pinakaimportante, ang hindi na ulitin ang ginawang pagkakamali.

Sa totoo lang, mahirap mangako dahil tao lang tayo, nagkakamali, pero, sabi nga, walang im­posible kapag nag­mamahal ka, kaya kaka­ya­nin mo ang lahat hu­wag ka lang maka­sakit.

Make sure na susundin ninyo ang mga tip na ito para maging all good na kayo ni BF/GF.

Mahirap mag­ka­roon ng problema na pata­tagalin pa dahil dito nag-u­umpisang lumamig ang samahan.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page