Empleyado natagpuang patay
Pabs Hernandez III
May 24, 2019
1 min read
NORTH COTABATO—Isang empleyado ang natagpuang patay, kamakalawa sa Bgy. New Pontevedra, Antipas sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si John Rex Daruca, kawani ng Department of Education (DepEd) na nakabase sa lalawigan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may mga tama ng bala sa nasabing barangay.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala ang mga salarin at mabatid ang motibo sa krimen.





Comments