Driver timbog sa shabu
Pabs Hernandez III
May 24, 2019
1 min read
CEBU CITY—Isang driver ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Pasil sa lungsod na ito.
Kinilala ang suspek na si Ronald Romo, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, naaresto si Romo sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya at nakumpiska sa suspek ang 135 gramo ng shabu at markadong pera.
Nakapiit na si Romo na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments