Alamin mula kay SeƱor... KAALAMAN TUNGKOL SA BANGUNGOT
- BULGAR
- May 24, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa kasagutan sa email ni Fiona ng Fiona_LibraGurl @facebook.com
Sa iyo Fiona,
Bukod sa pagsusuot ng red at pagsasagawa ng āpagĀpagā para hindi sundan or multuhin ng kaluluwa ng namaĀtay, ang isa pang kabilin-bilinan ay ang huwag kakain ang mga pagkaing mahirap matunaw.
Ito ang numero-unong dahilan ng tinatawag na banguĀngungot kung saan bago matulog ay kumakain ang tao ng mga pagkaing mahirap matunaw.
Sa bangungot, umuungol ang binabangungot, hindi maĀkahinga na parang may dumadagan sa kanya, gayundin, hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay at paa.
Kaya kapag nagising ang taong binangungot, ang kuĀwento niya ay may dumagan sa kanya at may gustong kuĀmuha sa kanya. Minsan, ang ganitong sitwasyon ay may kasama pang may sumusundo sa kanya na kaluluwa ng naĀmatay.
Ang totoo, hanggang ngayon ay hindi lubusang maipaliĀwanag ng agham ng siyensiya o medisina ang tinatawag na bangungot at ang isa pang totoo, ang sakit na acute pancreatis ay siya mismong sinasabing bangungot.
Ang pancreas ay bahagi ng digestive system, ito ay nasa loob ng tiyan kaya sinasabing sa panahon ng bangungot, ang bahaging ito ng katawan ay naglalabas ng nakalalasong kemikal kaya ang tao ay binabangungot o nahihirapan haĀbang natutulog.
Kaya para maiwasan ang bangunggot, lalo ng mga nakiramay sa patay, ang payo ay huwag kumain ng pagkaing mahirap matunaw. Kung minsan, hindi alam ng tao kung anu-ano ang mga pagkaing mahirap matunaw kaya for safety, ang payo ay umiĀnom ng maraming tubig nang sa gayun anuman ang kainin ay madali itong matutunaw.
Ang isa pang bawal ay ang huwag magsuot ng masisikip na damit habang natutulog dahil puwedeng makaranas ang natutulog ng hindi maganda.
Bawal din ang matulog nang nakahuboāt hubad, lalo na sa kababaihan dahil maaari silang pagsamantalahan ng mga masasamang espiritu.
Good luck and God bless!