After 9 yrs., babu sa Dos… AIKO, NAG-OBER DA BAKOD NA SA SIYETE

Nitz Miralles / BIDA

LUMIPAT pansamantala sa GMA-7 si Aiko Melendez at kasama siya sa bagong Afternoon Prime seryeng Prima Donnas.
Sa Instagram (IG), nagpasalamat si Aiko sa ABS-CBN sa 9 years na pagtatrabaho niya sa Kapamilya Network.
Aniya, “Nagpapasalamat po ako sa Channel 2 sa 9 years na opportunity na ibinigay n’yo sa akin na makapag-work dahil dito ako nag-grow bilang isang actress at hindi ko mararating kung ano ako ngayon kundi dahil sa kanila.
“Nagpapasalamat po ako sa mga boss ko po sa ABS-CBN dahil maayos naman po ang aming relasyon at nakapagpaalam ako nang maayos.”
Dagdag pa niya, “Para sa akin po ang work ay napakahalaga bilang isang single mom. Kaya nagpapasalamat ako sa bagong blessing na ibinigay ng GMA-7 sa akin. Maliit ang mundo ng showbiz kaya alam ko sa puso ko na sa mga susunod na pagkakataon, makakatrabaho uli ako sa ABS-CBN! I will forever be grateful, no goodbyes only but good words for ABS-CBN. :)”
“For now, as I embark another journey in my career, I’m looking forward to be playing a big part in this new afternoon soap of GMA-7 entitled Prima Donnas. Salamat, mga Kapamilya at Kapuso,” pagtatapos ng aktres.
Si Gina Alajar ang director ng Prima Donnas at tampok sina Jillian Ward, Sofia Pablo, Althea Ablan at Ellijah Alejo. Kasama rin sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Benjie Paras at Chanda Romero.
Samantala, balik-Kapuso Network na rin si Eddie Garcia. May gagawin siyang primetime series kasama sina Gabbi Garcia, Gil Cuerva at Thea Tolentino to be directed by Toto Natividad ngunit wala pang title ang project.





Comments