Text at tawag, 'di sinasagot… JOSHUA, DEDMA SA PADIR NI JULIA NA SI DENNIS
- BULGAR

- May 23, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

VERY open ang Kapamilya actress na si Julia Barretto sa pag-amin na nagkaroon na naman sila ng tampuhan ng kanyang real-life partner na si Joshua Garcia.
Sa recent interview ng aktres sa Tonight with Boy Abunda, nasabi ng King of Talk na si Boy Abunda na sa huling interview niya sa love team ay mukhang magkagalit ang dalawa.
Ani Boy, “Naalala ko lang, the last time you and Joshua guested on the show, mukhang galit kayo.”
Dito kinumpirma ni Julia na nagkaroon nga sila ni Joshua ng away noong time na ‘yun, pero hindi na raw niya maalala ang dahilan.
Ayon kay Julia, pagkatapos ng interview nila sa TWBA ay nagkabati rin sila agad.
Natanong din ni Boy ang aktres kung ano ang madalas nilang pinag-aawayan at aniya, “Siguro, napadalas lang ‘yung tampuhan namin nu’ng nasa peak kami ng kapaguran talaga na every little thing was getting to us, na inilabas namin sa isa’t isa.”
Sa interview naman kay Dennis Padilla, ama ni Julia, sinabi niyang gusto niyang makausap ang BF ng anak na si Joshua dahil gusto niyang maging maayos ang relasyon ng dalawa.
Ikinuwento ni Dennis na sa text lang niya nakakausap ang kanyang anak kapag may pinagdaraanan ito.
Kuwento ni Dennis, “Hindi masyado, eh (nakakausap si Julia), kasi alam niya na medyo bad shot sa akin si Joshua kaya hindi na siya nag-open-up sa akin.”
Ayon kay Dennis, nakakarating sa kanya kapag may pinagdaraanan ang dalawa. Nilinaw din niya na hanggang ngayon ay hindi pa siya kusang kinakausap ni Joshua.
“Maaayos pa naman siguro ‘yun pero up to today, I’m still waiting for Joshua to reach out to me and mukhang hindi niya (pa) yata kaya and wala siguro sa personality niya na mag-reach out,” pahayag ni Dennis.
Dagdag pa niya, “I did my part, kasi one time I texted him, I tried to call him, talk to him. Ang sabi naman sa akin, baka naman daw natatakot.”
Paglilinaw ni Dennis, gusto lang niyang kumustahin ang BF ng anak.
Aniya, “Kumusta ka na? Kumusta na kayo ng anak ko? ‘Yun lang naman. Ang importante, masaya sila ng anak ko ngayon, happy na ako.”
Makahulugang sabi pa niya, “Ang sinasabi ko nga sa ibang tao, pagka-sobrang init na sa kusina, lumabas ka na. Kung kaya mo pa ang init sa kusina, ipagpatuloy mo pa ang pagluluto diyan.”





Comments