top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Make sure na mayroon kang free will... TIPS PARA SA MAIWASAN ANG PAGREREBELDE

  • Donna Thea Topacio
  • May 23, 2019
  • 1 min read

No Problem

MARAMI sa mga kaba­taan ngayon ang nagrere­belde dahil sa iba’t ibang da­hilan, nandiyan ‘yung ku­lang sa paggabay ng mga magulang, naim­plu­wensiyahan ng mga kaibigan at iba pa. Kaya alamin natin ang mga paraan para maiwasan ang mag­rebelde:

1. LISTEN. Iba pa rin kapag marunong kang makinig sa iba dahil ito ay magandang paraan para maiba ang iyong mga paniniwala na maaaring makapag­pabago sa ugali o nararamdaman mo.

2. HAVE AN INS­PIRATION. Kapag may­roon kang inspiras­yon, maiiwasan mo ang pag-iisip ng masama sa sarili mo o sa ibang tao dahil alam mong may mga taong nagmamahal sa iyo.

3. THINK TWICE. ‘Ika nga, bago ka mag­pasya, kailangan pag-isipan mo ito nang mabuti dahil mahirap kapag nagsisi ka sa huli.

4. TALK TO YOUR FAMILY AND FRIENDS. Madalas na nagiging dahilan ng pagrerebelde ang pag­kakaroon ng problema sa pamilya at kaibigan, kaya kapag may problema at kaya pang ayusin sa maayos na pag-uusap, gawin ito bago maugnay sa masasa­mang gawain.

5. BE SMART ENOUGH ON CHOO­­­SING YOUR PATH. Kailangan mong ma­ging matalino sa pagpili ng buhay na iyong tata­hakin. Halimbawa, kung gusto mo nang mapaya­pang buhay, iwasan mo ang masangkot sa mga bagay na hindi maganda. Ganern!

6. KNOW THE CONSEQUENCES. Bago mo gawin ang partikular na bagay, isipin mo na ang maa­aring maging resulta nito. Kung sa tingin mong hindi magiging maganda ang resulta at ipinagpatuloy mo pa rin, nasa sa iyo na ang problema. Ha-ha-ha!

Palagi nating tatan­daan na ang pagrere­belde ay hindi sagot para makaiwas ka sa mga problema dahil mas lalo lang nitong pinalalala ang sitwas­yon. Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page