Lugar sa mundo Ni Ronalyn Seminiano Reonico
- BULGAR

- May 23, 2019
- 1 min read

Hindi batid, ano ba ang tunay na nais?
Ako’y huwag tanungin at baka hindi matiis.
Bawat kasaguta’y akin ding hinahanap.
Hindi batid ang nasa dulo ng mga alapaap.
Hindi ko batid and bagay sa dulo ng lansangan.
Nagpapatuloy sa paglakad hanggang sa hangganan.
Sinusubukang tanawin ang ulan mula sa mga ulap.
Walang kurap na nakatingala at naghahanap.
Hindi lamang ako ang nakadarama.
Pakiramdam na sadyang kay luma.
Ako’y mag-isa at tanging sarili ang kasama.
Sarili’y kayakap, karamay sa malungkot na klima.
Sa bawat kamalia’y kalakasan ang naghihintay.
Bawat luha’y nagpapaalalang ituloy ang buhay.
Simpleng dilag na naghahanap ng sariling lugar,
sariling lugar sa mundong puno ng maiilap na mata.
Ang radyo’y binuksan, pantalon ay isinuot.
Damit na makapagtatago ng lahat ng takot.
Saliwan ng init at liwanag mula sa araw.
Ano ang kailangan upang makasayaw?
Ang ngayo’y tatahakin, ang bukas ay misteryo.
Tanging sarili ang kasama, sa mundo’y malayo.
Ito ang tanging nababatid sa gitna ng pagkalumbay,
sa bawat maling pagtahak, kaalaman ang naghihintay.
Panahon ng buhay ay hindi napapagal at dapat lasapin.
Tao ay nagkakamali, nagkakasala at natututo rin.
Lugar sa mundo’y patuloy na hinahanap
kung saan misyon sa buhay ay magaganap.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments