Kaya dapat daw, eh, once n‘yo lang itong inuman, lodi! PAGGAMIT NG PLASTIC BOTTLE NANG PAULIT-ULIT,
- BULGAR

- May 23, 2019
- 1 min read

HANGGANG ngayon ba ay nakasanayan pa rin ninyo ang paggamit ng plastic bottle nang paulit-ulit? Naku, bad ‘yan, mga besh! Ito ay dahil sa madalas na paggamit nito, maaaring kumapit ang kemikal na mayroon ito sa tubig na iniinom ninyo. Hala!
Ayon sa mga eksperto, ang kemikal na BPA o bisphenol A ay isang uri ng industrial chemical na ginagamit sa paggawa ng plastik. Ito ay madalas na natatagpuan sa mga polycarbonate plastic at epoxy resins.
Gayunman, sa ilang pag-aaral, sinabi ng mga researcher na kapag ang plastic bottle ay ilang beses ng nasalinan ng tubig, maaari na nitong makuha ang BPA na mayroon sa container kung saan ang exposure sa BPA ay nakaaapekto sa kalusugan kabilang ang brain, behavior at prostate gland o fetuses, gayundin, nakai-increase ito ng blood pressure.
Samantala, hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng Food and Drug Administration ang BPA, pero dahil nakakatakot pa rin ang madalas na paggamit ng mga bagay na nagkokontamina nito.
Ipinapayo ng mga eksperto na gumamit muna ng mga alternatibong lalagyan tulad ng glass, porcelain o stainless steel.
Dagdag pa rito, limitahan na rin ang sarili sa pag-inom sa mga inuming nakalagay sa “can” dahil mayroon din itong BPA.
Oh, ayan, mga beshy, para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit nang hindi natin namamalayan dahil sa ating mga nakasanayan, make sure na matututo tayong limitahan ang ating sarili.
Okie?




Comments