top of page

Avoid loud noises, avoid stress, go for ginger etc… 11 WAYS PARA MAAGAPAN ANG PAGKAKAROON NG MIGRAIN

  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • May 23, 2019
  • 2 min read

AYON sa Migraine Research Foundation, mahigit 38 million ang nakararanas ng migraine. Ang migraine ay hindi pangkarani­wang pagsakit ng ulo sapagkat mayroon itong iba’t ibang sintomas tulad ng pagsusuka, panlalabo ng paningin at pagiging sensitibo sa ilaw, tunog at amoy na nangyayari sa sinumang nakararanas nito. Ang pag-iwas sa mga bagay na maaaring magpalala nito ay mainam upang maiwasan ang pagtagal nito.

Paano nga ba maiiwasan ang migraine?

1. AVOID LOUD NOISES AND BRIGHT LIGHTS. Ang ingay, ilaw o liwanag ay nakapagdudulot ng migraine kaya madalas prone sa migraine ang mga nagmamaneho sa gabi, ang mahihilig manood sa sinehan at concerts o matataong lugar. Tuwing nakararanas ng pagsakit ng ulo, makabubuti na umiwas panonood ng telebisyon o sa paggamit ng computer. Ipahinga ang mga mata at iwasan din ang paggamit ng gadgets tulad ng cellphone at tablet na mayroong maliwanag na screen.

2. PAY ATTENTION TO FOOD CHOICES. Mayroon ding mga pagkakataon na ang mga pagkain ay nakapagpapalala ng migraine at headache tulad ng chocolate, processed meats kabilang ang hotdog, bacon at sausage. Ang mga pagkain o inuming mataas ang caffeine o alcohol tulad ng red wine ay dapat ding iwasan.

3. BEWARE OF HORMONAL CHANGES. Kababaihan ang madalas na nagdurusa sa migraine dahil sa menstrual period o buwanang dalaw. Ang pagiging maingat sa pagkain at pag-eehersisyo ay makatutulong upang maiwasan ang matinding migraine. Ayon sa Mayo Clinic, ang oral contraceptives at hormone replacement therapy (HRT) ay maaaring magpalala ng sakit na dulot ng migraine.

4. PAY ATTENTION TO THE WEATHER. Ang pabagu-bagong panahon tulad ng madalas nating maranasan ay nagdudulot din ng migraine. Ang labis na mainit o mala­mig na panahon ay nakapagdudulot ng pagsakit ng ulo at kung mananatili sa lugar na may ganitong temperatura, maaaring lumala ang inyong nararamdaman.

5. EAT AND SLEEP ON A REGULAR SCHEDULE. Ang hindi pagkain nang wasto ay isa sa mga sanhi ng migraine. Ipinapayo ng mga eksperto na dapat kumain kada tatlo o apat na oras upang maiwasan ang pagkagutom at dehydration na isa rin sa mga sanhi ng migraine.

6. AVOID STRESS. Hindi maiiwasan ang ma-stress. Ang tanging magagawa lang natin ay ang i-handle ang stressful situation nang may kaayusan at kontrolin ang ating sarili.

7. APPLY LAVENDER OR PEPPERMINT OIL. Base sa eksperimentasyong ginawa noong 2012, ang pag-amoy ng lavender essential oil ay makatutulong upang malabanan ang migraine, gayundin ang paglalagay ng peppermint oil sa noo at sentido.

8. TRY ACUPRESSURE. Ayon sa 2014 Systematic Review, ang paglalagay ng pressure sa mga daliri at kamay ay makapagdudulot din ng kaginhawahan sa mga taong nakararanas ng migraine.

9. GO FOR GINGER. Napag-alaman na ang luya ay mabisang panlaban sa pagduduwal na sintomas sa pagkakaroon ng migraine.

10. ADD MAGNESIUM TO YOUR DIET. Ang kakulangan sa magnesium ay maaari ring maiugnay sa madalas na pagkakaroon ng migraine. Ang mga pagkaing mayaman sa magnesium ay almonds, sesame seeds, sunflower seeds, cashews, peanut butter, oatmeal, itlog at gatas.

11. VITAMIN B-COMPLEX. Ang Vitamin B ay nagpapabuti sa pagdaloy ng dugo sa mga ugat, partikular ang mga ugat na konektado sa utak. Ito ay water soluble o nailalabas din sa pamamagitan ng pag-ihi.

Oh, ayan, sa mga lodi nating madalas makaranas ng migraine, try nating gawin ito, mga ‘tol! Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page