Tulak todas sa buy-bust
- Pabs Hernandez III
- May 22, 2019
- 1 min read
LAGUNA—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa mga awtoridad na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Sampalok, Pagsanjan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Leodigario Recide, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na darakpin sana sa buy-bust operation si Recide, pero biglang pinagbabaril nito ang mga awtoridad.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay si Recide.





Comments