top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tourist bus pinasabog, 17 nadale

Jersey Sanchez
May 22, 2019
1 min read

SUGATAN ang 17 katao na karamihan ay turista matapos ang pagsabog sa Giza Pyramids sa Egypt noong Linggo.

Ayon sa Egyptian officials, sakay ng tourist bus ang mga biktima na patungo sa ginagawang Grand Egyptian Museum.

Ang pag-atake ay naganap sa gitna ng muling pagbubukas ng turismo sa bansa matapos ang ilang taong sigalot sa politika at karahasan mula noong 2011.

Bukod sa naturang bus, nasira rin ang windshield ng isang kotse.

Ayon kay Atif Moftah, general supervisor ng Grand Egyptian Museum, masuwerteng hindi nagdulot ng pinsala sa museum ang pagsabog.

Samantala, wala pang grupo na umaako ng responsibilidad sa pag-atake.

Ito ang ikalawang insidente ng pag-atake sa mga turista malapit sa Giza Pyramids sa loob ng anim na buwan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page