Sobra, 'no? Bipolar pala! BYUTING AKTRES, INAGAW ANG CELLPHONE, IBINATO SA UTOL, KINUHA ULI SAK
- Mercy Lejarde
- May 22, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
NANGHIHINAYANG naman kami kung totoo ang kuwento ng isang malapit sa magandang young actress na bipolar daw ito.
Kapag kausap namin siya, nasa katinuan naman ang aktres at walang traces na bipolar ito.
Pero ang kuwento nga ng isang malapit sa kanya, minsan daw, habang hawak ng kapatid ng aktres ang cellphone nito, inagaw ng huli at ibinato sa kapatid.
Tapos, kinuha uli ng aktres at saka tumawa nang tumawa.
Naloka ang malapit sa aktres sa inasal niya dahil kung trip-trip lang ‘yun, bakit ganu’n ang ginawa niya?
Well, sana lang mahaba ang pasensiya ng kanyang boyfriend na aktor din para tumagal ang relasyon nila.
At sana rin, kapag nag-mature na nang konti ang magandang aktres, mawala na ang pagiging bipolar nito.





Comments