Magsasaka dedo sa katoma
ALBAY—Isang magsasaka ang napatay nang hampasin ng bato sa ulo ng kanyang kainuman, kamakalawa sa Bgy. San Isidro, Tabaco City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Ireneo Samper, samantalang, ang suspek ay si Salvador Bornilla, kapwa residente ng nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Samper at Bornilla na naging dahilan kaya hinampas ng bato ng suspek sa ulo ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.





Comments