top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Death penalty sa mga mahuhuling gumagamit ng iligal na droga sa mga party, aprub!

  • Ryan B. Sison
  • May 22, 2019
  • 1 min read

APRUB na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang-batas na naglalayong patawan ng death penalty ang sinumang ma­huhuling gumagamit ng iligal na droga sa mga party, social gathering at anumang pagpu­pulong.

Ito ay kasunod nang nangyaring botohan kung saan umabot sa 155 ang nagsabing ‘yes’ kaya inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8909 na naglalayong palakasin ang drug prevention at control campaign ng gobyerno sa pamamagitan nang pag-amyenda sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Matatandaang, maraming insidente ang nangyari na may kaugnayan sa paggamit ng iligal na droga na isinasagawa sa mga party dahil malaya silang nakalulusot dito kahit gaano pa kahigpit ang seguridad.

Ang resulta, buhay ang kinukuha dahil may ilan sa kanila ang nagiging biktima na hang­gang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng hus­tisya.

Gayunman, dahil sobrang iba na ang hene­rasyon ngayon, dapat lang na lalo pang pa-igtingin ang kampanya kontra iligal na droga dahil maraming kabataan o menor-de-edad ang nasasangkot dito na hindi magandang ting­nan.

Huwag nating ipagsawalambahala ang mga nangyari sa nakaraan, kung kayang agapan at iwasan, gumawa ng paraan!

Samantala, kung posibleng hindi agad death penalty ang gawing parusa hangga’t maaari, pag-aralan muna itong mabuti.

‘Ika nga, hindi solusyon ang pagkitil sa buhay para matigil ang bagay na pilit nating iniaalis sa bayan kung ang ugat nito ay nananatiling makapangyarihan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page