Control diabetes, improves digestion, fights cancer etc… 5 BENEFITS NG MACOPA, ALAMIN!

ANG macopa na kilala rin sa tawag na Rose apple ay punumpuno ng benepisyong kailangan ng katawan katulad ng vitamins A at C, fiber, calcium, niacin, iron, sulfur, protein, magnesium, phosphorus, sodium, zinc, thiamin at potassium.
Sey ng experts, ito ang iba’t ibang health benefits ng macopa:
1. CONTROLS DIABETES. Mayroong organic compound na matatagpuan sa macopa, ito ang tinatawag na jambosine. Tumutulong ito para maging maayos ang level ng sugar sa katawan.
2. IMPROVES DIGESTION, PROTECTS KIDNEY AND LIVER AND REDUCE TOXICITY. Dahil mayaman sa fiber ang macopa, nagagamot nito ang mga problema sa panunaw tulad ng diarrhea, dysentery at constipation. Dahil din sa fiber, nakokontrol nito ang cholesterol level ng katawan na nakatutulong para maiwasan ang pagkakaroon ng heart attack, strokes at coronary heart diseases. Ito ay tutumulong din para linisin ang atay at kidneys para maging maayos ang metabolism sa katawan.
3. FIGHTS CANCER. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng macopa ay makatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng prostate at breast cancer kaya recommended din ng mga doctor ang pagkain nito. Sabi nga nila, prevention is better than cure.
4. HEALTHY SKIN. Dahil sa taglay nitong antimicrobial at anti-fungal properties, napoprotektahan nito ang balat laban sa iba’t ibang uri ng sakit at infections. Sagana ito sa water content kaya ang mga taong mayroong dry at dull skin ay nararapat na kumain nito. Ang Vitamin C nito ay nakatutulong para malabanan ang aging at mapanatiling mukhang bata ang balat.
5. PREVENT OSTEOPOROSIS. Mayroong calcium at minerals ang macopa na kinakailangan para maging matibay at maayos ang ating buto at maiwasan ang mga sakit tulad ng osteoporosis at problema sa kasu-kasuan.
Sadyang maraming kakaibang benepisyo ang prutas na ito, ngunit, paalala lang mga ‘tol, ang labis na pagkain nito ay maaaring magdulot ng problema sa lalamunan kaya moderation is the key, guys!
Copy?





Comments