top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 katao niratrat ng mga armado

Pabs Hernandez III
May 22, 2019
1 min read

ISABELA—Dalawa katao ang namatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Villapaz, Naguilian sa lalawigan ito.

Kinilala ang mga biktima na sina Edralino Domingo at Jane Tul-o, kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.

Nabatid na lulan ng motorsiklo sina Domingo at Tul-o nang pagbabarilin sila ng mga suspek na nakasakay naman sa pick-up.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa mga biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page