top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa palad.. LALAKING NAKATAKDANG MAGKAROON NG MAS MAGANDANG TRABAHO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 21, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Ako ay kasaluku­yang nagtatrabaho bilang panadero sa bakeshop kaya lang kuripot ang aking amo kaya maliit lang ang aking suweldo at wala pang be­nepisyo.

  2. Gusto ko nang uma­lis at lumipat sa ibang ba­kery, ngunit, marami pa silang kulang sa akin na dapat nilang bayaran.

  3. Ang isa pang inaalala ko ay kung aalis ako sa pi­napasukan ko, matatanggap kaya ako sa ibang bakery kahit hindi ako nakatapos ng high school at wala akong kakilala rito sa Maynila?

KASAGUTAN

  1. Tama ang binabalak mo, Arman, mas mainam kung aalis ka na sa kasa­lukuyan mong trabaho na walang kabuhay-buhay dahil bukod sa maliit ang suweldo ay palagi pang ku­lang ang nakukubra mong kita tuwing akinse at katapusan.

  2. Tunay ngang hindi ka dapat matakot mag-resign at huwag mo na ring asahang makukuha mo pa ang nagkapatung-patong na nilang utang sa iyo, sa halip, lalo ka lang malulugi habang nag-i-stay at nagtitiis ka pa riyan sapagkat ayon sa hindi naputol at walang bilog na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) na tinatawag din nating Career Line sa kaliwa at kanan mong palad, sa sandaling umalis ka sa kasalukuyan mong trabaho dahil matagal na rin ang experience mo bilang panadero at mahusay ka naman magmasa ng harina at ma­sipag, madali ka namang matatangap sa ibang bakery kung saan mga tatlong linggo o isang buwan ka lang mababakante, tulad ng nasabi na, muli ka na namang makatatagpo ng mas maganda at okay magpasuweldo na trabaho bilang panadero.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, kung ngayon pa lang ay magre-resign ka na sa kasalukuyan mong trabaho at maghahanap ng bagong bakery na mapaglilingkuran, tiyak ang magaga­nap, hindi matatapos ang buwan ng Mayo ngayong 2019, mata­tanggap ka na muli sa ibang bakeshop o bakery na mas okay at regular na ang iyong suweldo at sa bandang huli dahil ma­tino at masipag ka, sa nasabing bakery na may kulay dilaw at pulang logo ay mare-regular ka na, lalaki ang iyong suweldo at sa bandang huli, makatatanggap ka ng mas maganda at maayos na mga benepisyo hanggang sa tuluy-tuloy ka ng umunlad at habambuhay na aasenso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page