Lolo natagpuang patay
Pabs Hernandez III
May 21, 2019
1 min read
CAMARINES SUR—Isang 70-anyos na lolo ang natagpuang patay, kamakalawa habang nakalutang sa ilog na sakop ng Bgy. Inalahan, Libmanan sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Abraham Marasigan, nakatira sa nasabing bayan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa nakalutang na bangkay ng biktima sa naturang ilog.
Sa imbestigasyon ay napag-alaman na nahulog sa bangka si Marasigan habang nangingisda at pagkalunod sa ilog ang sanhi ng kanyang kamatayan.





Comments