top of page
SPECIAL ARTICLE (RJ) - VICE, BINUGAHAN NG TUBIG SA MUKHA ANG BABY DOLLS MEMBER, NA-BASH, T

Huwag magpadalus-dalos... 5 things para masabing handa na sa pag-aasawa

  • Donna Thea Topacio
  • May 21, 2019
  • 1 min read

DAHIL malapit na ang buwan ng pagpa­pakasal, for sure, ma­rami sa mga beshy natin diyan ang bet ng mag-settle-down, pero dehins knows kung ano ang mga dapat isaalang-alang para masabing ready na sa pagbuo ng pa­milya. Don’t worry dahil na­rito ang 5 bagay na da­pat ikonsidera ba­go mag-asawa:

1. FINANCIALLY. Of course, mahirap mag-asawa kung ang laman ng wallet mo, eh, puro barya. ‘Ika nga ng mga mata­tanda, hindi kayo mapa­pakain ng pagmamahal kaya make sure na ready na kayo financially bago kayo magpakasal.

2. MENTALLY. Kung alam mo sa sarili mo na hindi ka na magiging praning sa tuwing nag-aaway kayo ng partner mo, go for it, besh!

3. EMOTIONALLY. Sa totoo lang, hindi talaga natin malalaman kung kailan tayo emotionally ready dahil ang emosyon ay mahirap pigilin, pero dahil parte ito ng buhay, ma­inam kung magiging handa rin kayo tungkol dito.

4. PHYSICALLY. Siyempre, kapag bu­buo ka na ng pa­milya, dapat ihanda mo rin ang kata­wan mo dahil kung noon, eh, sarili mo lang ang iniisip mo, sa oras na nag-asawa ka na at nag­kaanak, kaila­ngan mo ng ekstrang lakas para maibigay mo ang mga nararapat para sa ka­nila.

5. SPIRITUAL­LY. Dapat mayroon kayong kinikilalang Diyos dahil Siya ang gagabay sa inyo upang magkaroon kayo ng ma­sayang pa­milya.

Kaya sa mga be­shy na­tin diyan na de­­hins knows kung ready na bang mag-asawa, read n’yo ‘to!

For sure, kahit pa­paano ay mayroon kayong mapupulot na aral at kaalaman dito.

‘Ika nga, gawin mo ang bagay na gusto mo kapag ready ka na.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page