top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

HOROSCOPE | Mayo 21, 2019 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 21, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 21, 2019 (Martes): Napabibi­lang ka sa mapapalad na nilalang. Ang mga su­wer­te ay darating sa bu­hay mo, pero kailangan mo pa ring magsikap nang sa gayun ay hindi ka ta­waging tamad.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dagdag na suwerte ang mapasasaiyo kung kikilos ka nang ma­­saya. Kaya kahit pa ma­lungkot ka, maganda pa rin na ikaw ay ma­saya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-9-12-28-30-34-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat mag­patalo sa mga negatibong sinasabi ng malalapit sa iyo. Higit ka­ninuman, ikaw ang may hawak sa sarili mong bu­hay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-11-21-24-33-35-42.

GEMINI (May 21- June 20) - Hin­di na­wawala ang sikat ng Haring Araw, natatak­pan lang ito ng mga ulap. Pagkatapos ng iyong pi­nag­daraanan ngayon, ang buhay mo ay mag­ka­karoon ng kasaga­na­han. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-19-20-29-30-35-44.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag kang manam­lay nang dahil lang sa hindi mo nakuha ang gusto mo. Mapatutu­nayan sa buhay mo na ang langit ay ang higit na na­kaaalam kung ano ang mabuti at maganda para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-12-24-29-30-36-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Su­suwertehin ka ngayon at sa darating pang mga araw. Sino ang ma­malasin? Sino pa kun­di ang mga lihim at lantad mong mga ka­away. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-25-27-34-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nananalo ang masaya. Ang tanong, masaya ka ba ngayon? Kung hin­di, makipagsapalaran ka! Malungkot ka ba nga­yon? Alisin mo ang lungkot da­hil dito sa mundo, ang ma­lungkot ay ang agrabi­ya­do. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-15-16-24-32-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simpleng-simple lang ang susi para ikaw ay suwertehin, ito ay nag­sasabing, iangat mo ang iyong ulo, kumilos ka at lu­makad ng may tiwala sa sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-28-33-35-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang tao na pa­nay ang traba­ho dahil puwede siyang ma­kaipon para sa kanyang ki­nabukasan. ‘Yun nga lang, maaari niyang mapa­baya­an ang kanyang personal na buhay. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-12-25-34-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pag-ara­lan mo ang mga mungkahi na ibinibigay sa iyo. Alamin mo kung may nakata­gong hindi maganda ang motibo, sa ganito, masasala mo ang mga ito. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinaha­nap-hanap mo ang masasa­yang karanasan. Sa gani­to, hindi maiwasang balik-balikan ang mga kabigu­an. Wala ng mas maganda pa kundi ang kumuha ng aral sa mga ito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-21-24-30-34-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ang nag-alis, ikaw din ang magba­balik. Bago mo pabalikin ang naging bahagi ng bu­hay mo, suriin mo muna kung siya ay nagbago na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-18-20-21-25-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit wala kang gawing anuman at ka­hit sino ka man, hindi na magbabago ang pasya ng langit kung saan ang mga magagandang kapalaran ay magsisiguhit sa iyong buhay. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-7-19-20-21-25-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page