top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Trying hard daw magpatawa… HIRIT NG FANS: ALEX, CHRISTIAN KUNO, BASTOS NAMAN SA MAGULANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 20, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MAGKAIBANG-MAGKAIBA ang personality ng magkapatid na sina Alex at Toni Gonzaga-Soriano.

Kung ang nakababata ay may pagka-kalog at tak­lesa, mahinhin at ser­yoso naman ang pa­nga­nay ni Mommy Pinty (ina ng Gonzaga sisters).

Kaya, hindi naka­lampas kay Toni ang na­ging komento ni Alex sa isang campaign sortie sa Parañaque kung saan sinabi niyang “may pag­ka-madugas” ang mayor ng lungsod na si Mayor Edwin Olivarez.

Naging mainit na usapin ito sa social media dahil kumalat na diu­mano’y idineklara ng Parañaque na persona non grata ang sikat na aktres-vlogger.

Sa isang interview, sinabi ni Toni na natu­tunan na ni Alex ang kontrobersiyang kina­sangkutan.

Ani Toni, “She will move on from this. ‘Yung babaunin niya rito ‘yung lesson na natutu­nan niya… Si Alex, she’s taking everything one day at a time, and she’s maturing from every challenge na pinag­da­raanan niya.

“‘Yun siguro ang maganda rito, she knows when she falls down, and when she commits a mistake, she owns up to it, and she moves on and she learns.”

Samantala, halo naman ang naging ko­mento ng mga netizens sa naging pahayag ni Toni. May ilan pa nga na iniuugnay ito sa naging pagkatalo ng kanilang ama na si Bonoy na ku­mandidato namang mayor ng Taytay, Rizal.

May ilan pa ang na­aawa kay Toni dahil na­dadamay pa raw siya sa kontrobersiya ng kapa­tid.

Narito ang ilang ko­mento ng mga netizens:

Kaya siguro natalo ang tatay n’yo sa pagka-mayor sa Taytay dahil mga ipokrita silang mag­kapatid… Bait-bai­tan ‘pag nakaharap sa camera lang.”

“Sobrang OA na rin kasi ng sister mo Toni, naku!”

Kawawa si To­ni, nadamay lang naman siya sa ka­lokohan nitong Alex, eh. Hahaha.”

Hangga’t hin­di natuturuan ng leksiyon ‘yan, hindi titigil ‘yan si Alex.”

“When trying too hard to be funny becomes annoying and irresponsible.”

“Christians sila pero grabe magsalita sa ma­gulang kahit biro. Ma­talas at matabas ang dila. Masyadong bastos na minsan. Diyan ka na lang sa YouTube!”

Mas dumami rin ang mga netizens na nag­kukumpara kay Alex sa ate niyang si Toni.

Sey ng isang netizen, “Si Toni, ok pa, eh, may talent naman at decent. Pero siya, mag-business na lang siya or mag-work. Hindi bagay mag-artista. Ang hangin pa.”

Hirit naman ng isa, “Hindi siya kasingtalino ni Toni magsalita o mag-host. Si Toni, napaka­intelihente mag-host. Si Alex, parang istam­bay lang sa kanto kung umas­ta at magsalita ay bastos.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page