Nakipagsabwatan sa China | CIA AGENT, 20 YRS. KULONG
MAHAHARAP sa 20 taong pagkakakulong si Kevin Mallory, dating CIA officer matapos mapatunayang guilty sa pagbibigay ng impormasyon sa Chinese agent.
Hinatulan si Mallory pagkatapos ng dalawang linggong pagdinig.
Ayon sa US Justice department, nakita nila sa surveillance video ang paglilipat nito ng classified documents sa digital memory card.
Dagdag pa ng mga ito, may access ang suspek sa top-level security clearance at mga sikretong dokumento kaya hindi raw magiging mahirap para rito na gawin ang pang-eespiya.
Nagawa rin umano nitong pumunta sa Shanghai para makipagkita sa naturang Chinese agent noong Marso at Abril 2017.
“Mallory not only put our country at great risk, but he endangered the lives of [people] who put their own safety at risk for our national defence,” ani US attorney Zachary Terwilliger.





Comments