top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kuya ng NPA sinalakay

  • Pabs Hernandez III
  • May 20, 2019
  • 1 min read

RIZAL—Sinalakay ng tropa ng pamahalaan ang kuta ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), kamakalawa sa Bgy. San Andres, Tanay sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may kuta ang mga NPA sa nasabing barangay kaya agad itong sinalakay ng tropa ng pamahalaan, pero nakatakas ang mga rebelde.

Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga armas, granada at subersibong dokumento sa kuta ng mga NPA.

Patuloy pa ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga tumakas na rebelde.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page