top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | Mayo 20, 2019 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 20, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 20, 2019 (Lunes): Tiyak ang pag­yaman mo, kapag tala­gang ginusto mo. Kaya ang payo, unahin mo ang pag­pa­payaman kaysa sa iba pang larangan ng buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tutukan mo ang pagpapa­lago ng kabu­hayan dahil hindi ka ma­bibigo. Tutukan mo ang pa­kikipagrelasyon, sa una ay sasaya ka, pero sa huli, ang kabiguan ay darating sa buhay mo. Masuwer­teng ku­lay-green. Tips sa lotto-9-18-20-24-34-38.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka da­pat sumuko ka­hit pa nalugi ka. Ang tagumpay ay sa huli hinuhusgahan at hin­di sa unahan o sa kalagit­naan ng pakikipagsapala­ran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-14-23-30-32.

GEMINI (May 21- June 20) - Lakas ng loob ang kaila­ngan mong puhu­nan. Ito ay base sa taong wa­lang puhunan, pero yuma­yaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran nga­yon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-22-25-34-39.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag kang kumibo, manahimik ka at makikita mo, ikaw ang masusunod. Huwag kang tumulad sa marami na nag-aakalang sa pangu­ngulit ay nakukuha ang anu­mang gugustuhin. Ma­su­wer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-19-21-26-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­lakas ka nga­yon, pero a­ala­­layan ka pa rin ng langit. Sa ganito, ang mga lihim at lantad mong kaaway ay tuluyan mo nang magagapi at sila ay mapa­pahiya. Masu­wer­­teng ku­lay-beige. Tips sa lotto-11-16-20-25-33-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag na ta­pang ang iyong kailangan, ibig sabihin, may tapang ka kaya lang ay kulang pa. Ito ay para makatiyak ka na ang gusto mo ay ma­pasa­saiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-3-7-13-25-28-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Umiyak ka kung kaila­ngan, pero ang huwag mong gagawin ay ang uma­yaw. Ang kabiguan ay ba­hagi ng tagumpay na nara­ranasan sa mga unang sal­pukan ng pakikipag­la­ban. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-18-20-30-39-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Multo lang na wa­lang laman at buto ang mga negatibong pananaw na sumasaiyo. Kapag kumilos ka at nag-isip ng positibo, ang mga multo ay mawawala tulad ng mga bula. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-15-17-21-26-27-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sukatin mo muna ang kakayahan ng nilalang na gustong pu­masok sa iyong kapala­ran. Kung makita mong siya ay iyong mapakikina­ba­ngan, tanggapin siya nang bukas-palad. Masu­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-22-24-42-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawa­kan mo nga­yon ang iyong damdamin dahil maa­aring makasakit ka ng iba nang dahil sa iyong emos­yon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-19-21-28-31-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sasaya ka dahil ma­kalalaya ka na sa sitwasyong ikaw ang agrabiyado. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-19-22-24-33-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipaglaban mo ang sa iyo da­hil ipinagla­laban ng iba ang hindi sa kanya, kumbaga, higit kang dapat lumaban dahil ikaw ang may karapatan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-27-30-40-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page