Sikat lang daw, wala namang nagagawa sa Senado… MADLANG PIPOL, WA' ELIBS PA RIN KAY LITO LAPID
- BULGAR

- May 19, 2019
- 1 min read

BAGAMA’T nagpasalamat si Lito Lapid sa mga taong bumoto at nagtiwala sa kanya sa nakaraang midterm election, it seems medyo na-offend siya sa mga bashers na nanlalait sa kanyang kakayahan at kapasidad na gampanan ang tungkulin ng isang senador.
Dati nang nanalo si Lito bilang senador. Matunog na matunog din noon ang kanyang pangalan at may appeal sa masa. Marami ang nag-abang sa kanyang performance sa Senado. Hinintay at inabangan kung kaya niyang makipagsabayan sa mga “antigo” at traditional politicians na kanyang nakasabayan.
Pero, mas pinili ni Lito Lapid ang manatili sa side court at hindi magpakitang-gilas sa mga kaganapan sa Senado.
Ngayon, popular na popular uli ang action star dahil sa mahaba at markadong role niya sa Ang Probinsyano ni Coco Martin. Kilalang-kilala na naman siya sa apat na sulok ng ‘Pinas. Napakalaki ng nakuha niyang boto at nasa ika-5 post siya sa Top 12 senators.
Balik-Senado na naman si Lito a.k.a. Leon Guerrero. Aabangan na naman ng lahat ang magiging performance niya sa Senado. Wala naman siyang dapat na ika-insecure sa ibang senador.





Comments